Ina,mama,mommy,nanay,sayo aking pagmamahal na taglay tunay na habang buhay pagkat dahil sayo ako ay nabuhay.
Buhay koy iyong binigyang kulay sa aking paglalakbay matalo man o mag tagumpay andyan kang nakaagapay.
Sa aking pagkadapa nakita ko sayong mukha ang pag aalala aking napagtanto makita kang di masaya di ko pala kaya.
Sa pagpapasalamat akoy hindi magsasawa mga paalala na musika sa aking tainga dadalhin ko ito hanggang sa aking pagtanda hanggang sa maabot ang mga tala.
Maraming maraming salamat sa pagbibigay ng lahat sa pagluluto sakin ng dapat sa pagaalalatuwing may lagnat.
Sa sandamakmak na problema iyong kinakaya makita lang ang iyong anak na masaya ikaw ang tunay na inang dakila.
